Ellen Tordesillas, Abante
Ang sitwasyon ni Gloria ngayon ay para siyang nahulog sa kumunoy (quicksand). Hindi siya maa-aring kumilos. Bawat kilos niya ay lalong nagpapalubog sa kanya.
Apat na araw na ang nakalipas at wala pang kongkretong hawak ang mga imbestigador kung sino ang may kagagagawan ng karumal-dumal na krimen kung saan 11 ang namatay at sobra 120 ang nasugatan.
Ngunit sa mga pahayag ni Arroyo at ng kanyang mga opisyal, hindi naa-alis ang suspetsa ng mga tao na kagagawan nila ito para matabunan ang maraming kontrobersiya na kanyang nakakasangkutan.Ang kinatatakutan ng marami ay baka gamitin ito ni Arroyo at ng kanyang mga utak pulbura na mga alagad na rason para itulak ang mas marahas na pamamalakad katulad ng martial law kahit hindi niya tawagin ng ganyan.
Binubuhay ngayon ni Sen. Antonio Trillanes IV ang panawagan para mag-snap election. Sa isang manifesto na kumakalat ngayon, nananawagan si Trillanes na mag-resign si Arroyo at si Vice President Noli de Castro para magkaroon ng election sa loob ng 60 days.
Sabi ni Trillanes ito lamang ang mapayapang paraan na maayos ang ating problema na pampulitika sa bansa. Ang dami-daming eskandalo ang nakapulapol kay Arroyo. Nandiyan ang Hello garci, ZTE, North Rail, Diosdado Macapagal Highway, Joc-joc Bolante Fertelizer scam, Jose Pidal, extra-judicial killings, at MalacaƱang bribery.
Wala ng nagre-respeto at naniniwala kay Arroyo. Hindi na siya maaring mamahala.
May mga nanawagan na mag-resign si Arroyo at hayaan si De Castro na mamahala sa bansa hanggang 2010. Sabi ni Trillanes, nakinabang si De Castro sa pandaraya noong 2004 na eleksyon at hidni siya kumibo sa gitna nitong mga eskandalo. Kaya wala na rin siyang moral authority para mamahala.
Sa akin, pasensiyahan ko sana ni De Castro kahit hindi marunong mag-English at mukhang hindi rin talaga nakakaintindi sa mga isyu. Ang ayaw ko sa kanya at ang pagpayag niya na gamitin sa pagtatakip ng mga katiwalian.
Mula ng lumabas ang Hello Garci scandal noong 2005, mahaba ang panahon para magdesisyon si De Castro kung ipaglaban niya ang katotohanan at hustisya o papagamit siya siya para matagao ang mga bagay na bilang broadcaster ay dapat niyang protektahan at pa-igtingin. Mas pinili niya ang magbibingi-an at magbulag-bulagan.Bakit naman tayo magkaroon ng radikal na pagbabago tapos ang ilalagay lang naman natin ay isang hindi nakipag-laban para sa katotohanan at hustisya. Nagsasayang lang tayo ng pagod.
Kaya suportahan natin itong panawagan ni Sen. Trillanes para mag-snap election.
Sunday, October 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment